Pages

Tuesday, February 19

I am SYKES!!!

Paano ko nga ba sisimulan? Hmmm....

Actually, may scheduled account interview ako sa Sykes ng 1pm. Ayun, saktong 1pm ako nakadating at late na kasi ako nagsikilos sa bahay. Haha. Pero ok lang. Wait ako ng 30mins bago tawagin na yung name ko. Natawag na rin sa wakas. Account interview process na. Blah blah blah. Basta, mahabang kwento ito. Nakakalokang mga tanong pero nasagot ko naman ng tama. Hehe! Akala ko nga failed ako eh... Nagulat na lang ako na pinababalik ako ng 5pm for Job Offer na. Yehey! Pasado pala ako..

2pm ng natapos yung interview. So, kumain muna ako sa Shang-Rila kasi yun ang pinakamalapit na mall sa Sykes, OSMA Bldg. 3hrs ako maghihintay. Ano naman ang pwede magawa??? Hmmm... Kaya ayun, napabili ako ng movie ticket ng di oras. Yes, nanuod ako ng Jumper mag-isa. Kala ko maappreciate ko siya at magagandahan ako. Hindi pala. Shit talaga. Maganda yung SFX niya kaya lang parang kulang pa rin sa dating eh. Hehe. Malalaman mo na 1:35 lang pala ang screening time ya. Di talaga sulit yung binayad ko. Sana JUNO na lang pinanuod ko.

4:40pm natapos yung movie kaya balik na ako ulit ng Sykes. 4:50pm ako nakablik sa Sykes. Hintay na lang ako na tatawagin ako. Ayun, tinawag na ako at may kasabay akong dalawa. Hindi ko natanong yung name nila eh kahit pare-pareho kami ng magiging account. Nga pala, Office Depot Account yung inoffer sa akin at pabor sa akin yung site kasi sa Quezon Ave. lang siya. Galing talaga! Contract signing na at nakakatamad talaga magfill-up ng mga requirements. Ang dami pala. Haha. Pero ok lang. At least my work na ako. Haha! Kaya lang, March 3 pa ako magstatart. At dating ni Macky yun. Hehe!

Natapos na siguro ako mga 6:30pm doon kasi dami pang chikahan eh. Hehe!

Kaya ngayon, pwede ko na masabi sa sarili ko na, "I am SYKES!!!"

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...