Pages

Friday, December 5

Quote from Bob Bong

Hay! Napakatamd ko talaga ngayong linggo na ito. Ewan ko ba? Depressed lang siguro ako.Tapos sasabayan mo pa ng emo na songs na pinapatugtog at quotes na matatanggap mo galing sa mga friends mo. Minsan yung iba nakakasawa na kasi paulit-ulit na lang na pinapadala. Pero may mga quotes naman na tatatak sa utak mo at sa puso mo. Yung tipong tagos sa puso talaga at di man lamang marunong pumreno yung magpapadala sa iyo.

Parang ganito lang yung natanggap ko kahapon galing sa batchmate ko ng college na si Shani. Kagigising ko lang nito kahapon at around 9pm niya ito pinadala at nagising ng tuluyan ang diwa ko.

"Hindi kayang tumbasan ng isang libong mabait na tao ang pagmahahal ng isang taong gago."
- Bob Ong


O di ba? Nakakaasar lang talaga. Talagang patama sa akin at dahil na rin sa nararamdam ko ngayon. Karugtong lang nito ang last blog ko na "Two Words... Moving On." Siguro nga ito ang sagot sa nararamdam ko. Di ko alam kung ako ba yung tanga o gago. Or siya ba yung gago o tanga sa aming dalawa.

Bahala na si Batman sa mangyayari sa akin. Sinasabayan ko lang din siguro ang panahon kasi pasko na naman. So dadagdag na naman ako sa SMP (Samahan ng Malalamig ang Pasko!) Haha!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...