Pages

Thursday, January 10

i am nowhere to be found...

Court of Appeals (CA) didn't grant the TRO that CE AGRESSION is asking for. Ang saya talaga ng buhay! So ironic nga naman. Tuloy ang retake namin this coming Saturday, January 12 at wala talaga akong maalala sa mga formula na nakabisado ko last year prior to the November 17-18 CE Board Exam namin. Shit talaga! I am at loss right now. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala na ako sa momentum mag-aral at magkabisado ng 100+ formulas per subject. Hindi ko na kaya ito kung ngayon pa lang ako magsisimula ulit. This coming Saturday, ewan ko lang kung paano ko sasagutan ang 30 questions ng Hydraulics and Geotechnical Engineering at 30 questions ulit para naman sa Structural Engineering and Construction. May masasagutan ba ako na tama? O huhulaan ko lang? Mini mini my ni mo ba ang gagawin ko? Pag ako naasar, ibabagsak ko na lang ang retake na ito. Kasi hindi ko talaga kaya eh. Sa May na lang ako magboboard exam. Kasi may stigma na ang November 2007 CE Board Exam eh. Or might as well na magtrabaho na lang ako sa ibang bansa kasi doon naman, hindi na kelangan kung lisensyado ka or hindi. Kaya ako ganito kasi alam ko sa sarili ko na pasado na ako ng November pa lang. Kung hindi lang sa 2 students na taga Cagayan De Oro na bwisit at kelangan pa mandaya at madamay kaming 4780 examinees. Grabe nu, mas worse pa kami sa June 2006 Nursing Board Exam. Kasi wala naman nangyaring leakage sa batch namin pero magreretake pa rin kami. Grabe talaga ang sistema ng PRC. Oh well, come to think of it, nasa Pilipinas pala tayo. Ganito na pala ang sistema ever since. Mukhang hindi na talaga mababago ito. Asa pa tayo? Well, I'm praying to God na lang and I'm hoping na mabago pa rin ang desisyon ng CA regarding sa finile namin na TRO. Kahit alam ko na ang Seat # ko at kung san ako mageexam ulit pero I doubt kung magagawa ko ito ng tama.

Grabe ang burden na binigay ng PRC sa mga examinees na kagaya ko. Sobrang bigat at hindi ko alam kung paano ko ilalabas yung galit ko. Good luck na lang sa akin! Hay!

Right now, I am nowhere to be found!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...