Pages

Sunday, January 23

Na-MAGIC ako!

Tapos na ang mga MOCK calls namin ng madaling araw ng Sabado (Jan. 22). Yung iba sa amin eh nakapasa, may mga hindi naman nakapasa. Buti na lang nakapasa ako. Thank God talaga! Sa mga hindi nakapasa sa amin, meron pa silang Stratified Training na tinatawag. Mas okay na yun kaysa naman sa matanggal sila sa company di ba? So ang ginawa na lang namin eh inuman na lang. 

Sa UP-Ayala Technohub yung office namin so dapat sa Seafood Island kami iinom kaya lang pagpunta namin doon, ubos na yung beer. Eh anong oras na kasi yun, almost 4AM na rin at pasarado na rin sila. So we decided to look for another resto at ang ending namin eh sa Burby's Convergys Bldg. sa Commonwealth Ave. So doon na lang kami at order namin eh 2 beer towers. Hindi siya yung draft beer na expected namin, San Mig Lights pala ang laman so mas okay. Hehe!

So puro kwentuhan at kalokohan ang napagkukwentuhan namin at dumating sa point na parang MAGIC. Akala ko kasi kalokohan lang. Inabutan ako ng tissue ni Aries. Though bago niya sa akin inabot yun eh sinulatan na niya. Hindi ko naman siya tinignan kasi baka magalit. Kasi sa akin pinahawak eh. So after ng ilang minutes na kwentuhan eh tinanong na niya ako. 

FIRST SCENARIO:

1. Pili daw ako ng two numbers from 1 to 5. So pumili naman ako at ang napili ko eh 2 at 5

2. So ang natira eh 1, 3 at 4. Pinapali niya ako ulit ng two numbers. Ang pinili ko naman eh 1 at 3

3. So ang natira eh 4

4. Tapos tinanong niya kung naglalaro ba ako ng bahara. Sabi ko naman, "Oo naman!" So pili daw ako ng two suits. Pinili ko naman eh CLUB at DIAMOND

5. Tapos sa natirang suits, pili daw ako ng isa. So ang pinili ko eh HEART

6. Tapos nagmarunong ako, so sabi ko 4  OF SPADES! Hindi daw, sabi niya eh, 4 OF HEARTS! Explain pa niya na yung numbers, yung natira. Tapos yung sa suits, yung pinili mo talaga. So 4 OF HEARTS daw.

7. Sinabi na niya, buksan ko na daw yung tissue paper. Pagkabukas ko, napamura ako kasi yung lumabas, 4 OF HEARTS talaga!




Grabe, ang galing niya! Napabilib talaga ako sa kanya. Hindi ko talaga inexpect na tatama siya. Tapos tinuloy namin yung inuman. Haha! Tapos nagkwento pa siya na tinatanong siya ng iba pa naming officemates about sa problem sa buhay nila at sinasabi niya kung ano yung nasa isip niya at totoo daw yung mga yun. Grabe, ang galing niya. Though inamin naman niya na yung iba eh hindi naman daw nangyayari. 

Tuloy pa rin ang kwentuhan tapos sabi niya may isa pa daw siya papagawa sa akin. So, sabi ko naman eh ok lang. Nag-eenjoy na kasi ako eh. Haha!


SECOND SCENARIO:

1. Pili naman daw ako ng number from 6 to 10 at wag ko daw sasabihin sa kanya. 

2. Ok, so nakapili na ako. Ang napili ko eh 7

3. Tapos may sinulat siya sa tissue paper ulit at inabot sa akin. Wag ko daw muna buksan. Sabi niya, "Eto ba yung number na pinili ko?"

4. Binuksan ko na ulit yung tissue papaer, napasigawa ako ulit kasi yun yung number na pinili ko. 



Ang galing talaga niya! First time ko talaga na-MAGIC ng ganito at sabi ko eh ibloblog ko ito. Dapat kahapon ko pa ginawa niya lang may pinuntahan ako eh! So ngayon ko lang nagawa! 

Ang galing mo talaga, ARIES!

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...