So, balik muna tayo sa kwento ko kung bakit ako natakot. Pagkasakay ko ng tricycle eh kala ko diretsong bahay na agad ako. Yun pala eh si kuya driver eh may dinaanan muna at kala ko may kukunin lang. Yun pala eh may inaawat siyang nagaamok o nag-aaway na pala dahil parehas silang nakainom. Takot talaga ako kasi ang daming kaaway ng isang lalaki na may hawak na screw driver at yung iba naman eh mga upuan ang hawak at handa na ihampas kay kuya. Eh biglang sumulpot si kuya sa harapan ko na may hawak na screw driver. So sabi ko kay kuya driver eh, "Tara na, Kuya!" Narinig naman ako ni kuya pero deadma lang at inaawat pa rin. Narinig ko na lang yung kakilala ni kuya driver na sinabi, "Natatakot na yang pasahero mo!" Which is true naman! Takot na takot na talaga ako ng mga oras na yun! Hindi ko na alam ang gagawin ko kasi baka ako pa ang mapagbuntunan ng galit eh!
Ayan, nakaalis na kami kasi medyo humupa yung galit ng karamihan. So pagkaalis naman ng ilang segundo eh may narinig kami na tunog ng bakal na tubo at ng lumingon ako, hinahampas na nila yung lalaki na may hawak na screw driver. Bigla namang bumalik si kuya driver sa eksena. Sabi ko naman eh, "Kuya, tara na po! Tara na po, Kuya! Alis na tayo!" Si kuya driver eh deadma pa rin sa akin. Sobrang takot na takot na ako ng mga oras na iyon kais baka madamay talaga ako.
So may inangkas si kuya na lalaki para ibaba sa baranggay hall yung lalaki. So nagawa naman niya kasi on the way naman iyon papunta sa village kung saan ako nakatira! Tapos, tanong pa sa akin ni kuya eh kung pwede bumalik, hindi na ako sumagot at takot na takot na talaga ako. Buti naman eh naramdaman na ni kuya yung takot at hinatid na ako sa bahay namin. Pagka-abot ko ng bayad ko eh humingi ng tawad si kuya. Binilisan ko na talaga makapasok sa bahay sa sobrang takot.
Thank God na lang at walang nangyari sa akin.
No comments:
Post a Comment