It was the night of our PinoyPride.Org Christmas Party held at Cosmopolitan Tower in Valero, Makati City. Plus, it became special because of the PPOrg Prada Awards. It was kind of award to give to the members of the org a recognition in their services for the year that had passed.
Grabe... nosebleed na agad ako sa 1st paragraph pa lang ng blog ko. Char! Siyempre, every year eh meron kaming theme for our attires. This year, broadway musical yung sa amin. Eh di ang lola niyo, eh walang ginaya kasi isa ako sa mga host. Pero dahil sa naka-all white ako, nagmukha akong si Queen Femina ng Zsa Zsa Zaturnnah Ze Muzikal. To sum it all, masaya ang xmas party namin..
But wait, there's still more... If you call within the next 30 mins... Char! Di pa kami nakontento... meron pa palang After Pride March Party sa Government... Ang mga mujeristas... umatak sa Government para ipakita ang ganda namin... Grabe talaga... saya nga... Akala ko nga eh hanggang doon lang kami eh... Aba, lumipat pa kami sa Malate... kasi ba naman, Anniversary Party rin pala ng O Bar. It was a blast.
Shit! Dahil sa naka-mujer outfit ako... Tumaas ang tingin ko sa mga GIRLS. Well in fact, naka-stilletos ba naman ako ng 4-inches ng mahigit siyam na oras, sino ba naman ang hindi sasakit sa mga tiil. What more kung may mens pa ang mga gurls. Grabe, kaya pala ayaw nga mga girls na sumayaw kapag naka-heels.. at kanuting gulo lang sa mga hair nila, todo suklay na sila... kung uminom naman sila or magyosi, retouch na agad sa loob ng restroom. grabe, ngayon ko lang talaga ito na-feel at 1st time ko na naka-mujer outfit ako sa malate pa. At least, kasama ko ang mga friends ko na nakaganito...
Siyempre, pag pasok mo sa bar,, mapapansin ka naman nga mga bakla... Wow, ang ganda niya... dahil sa sobrang sikip ng bar... natatapakan ko ang mga boys at napapasorry na lang. It was so funny na before, sa CR ako ng male gumagamit... Ng gabing iyon, sa Girls CR ako gumamit. Hehe!
Bow na talaga ako sa mga GIRLS...
No comments:
Post a Comment